Mga lider ng Tsina at Kambodya, nagpalitan ng pagbati kaugnay ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

2023-07-19 16:16:56  CMG
Share with:

Kaugnay ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya, nagpalitan Miyerkules, Hulyo 19, 2023 ng mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya.

 

Tinukoy ni Xi na makaranas ng pagsubok ng pabagu-bagong kalagayang pandaigdig nitong nakalipas na 65 taon, naging mas matibay ang relasyong Sino-Kambodyano.

 

Aniya, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at nakahandang magsikap, kasama ni Haring Sihamoni, upang mapasulong ang pagtamo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa ng mas maraming bunga, at ihatid ang aktuwal na benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Inihayag naman ni Haring Sihamoni ang kahandaan ng panig Kambodyano na palalimin, kasama ng panig Tsino, ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, ihatid ang benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at pasulungin ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon, maging ng buong mundo.

 

Nang araw ring iyon, nagpalitan ng mensaheng pambati sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.

 

Saad ni Li, nakahanda siyang bigyang-patnubay, kasama ni Hun Sen, ang kooperasyon ng iba’t ibang departamento at lokalidad ng dalawang bansa, para pasulungin ang pagkakaroon ng komprehensibo’t estratehikong kooperasyon ng Tsina at Kambodya ng mas maraming pragmatikong bunga.

 

Inulit naman ni Hun Sen ang buong tatag na paggigiit ng kanyang bansa sa patakarang isang-Tsina, at pagsuporta sa Belt and Road Initiative, Global Development Initiative, Global Security Initiative at ibang inisyatibang iniharap ng panig Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil