Poster ng ASEAN Ladies' Circle Tea Gathering
Sa kanyang pambungad na pambati, Miyerkules, Hulyo 19, 2023, sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing, ikinararangal ni Mme. Ana Segovia FlorCruz na tanggapin ang lahat ng mga bisita ng ASEAN Ladies' Circle.
Pagbibigay talumpati ni Mme. Ana Segovia FlorCruz
Ayon kay Mme. Ana, ito ang pinakaunang pakikipag-ugnayan niya mula ng magsimulang manungkulan ang kanyang asawang si Emb. Jaime A. FlorCruz sa kanyang tour of duty ng dumalo ito sa hand over gathering ng Circle noong Marso.
Naganap ito pagkatapos nilang dumating sa Beijing at nagbigay sa kanya ng pagkakataong makilala ang mga kasapi at matuto tungkol sa Circle.
Mga miyembro ng ASEAN Ladies' Circle
Mula noon, nakita at naunawaan niya ang kahalagahan ng Circle, sa pagsuporta sa mga layunin at adbokasiya ng bawat isa sa kanilang mga Embahada.
Dagdag niya, alinsunod sa tradisyon, ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing ay naniniwala na ang isa sa pinakamahusay na paraan upang ipagdiriwang at ibahagi ang mayamang pamana ng kultura ng bansang arkipelago ay sa pamamagitan ng pagtataguyod ng sining ng Pilipinas.
Upang magampanan ang tungkuling maipakita at payagan ang pandaigdigang komunidad na pahalagahan ang mga natatanging salaysay at estetika sa sining ng Pilipinas, ipinakilala sa pagtitipon ang isang multi-awarded na Pilipinong kontemporaryong artista na si Kristine Lim.
Kristine Lim, kontemporaryong artista
Ayon kay Kristine, nakakataba ng puso at nagpapasalamat siya na maimbitahan ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing at tumulong, sa kabila ng mga hamong dinanas sa pagdadala ng kanyang painting.
Seremonya ng pag-aalis ng takip
Ikinagagalak niya na itampok at gawing pangunahing parte ng pagtitipon ng ASEAN Ladies' Circle ang kanyang likhang sining at isa itong karangalan at pribileheyo.
Kuwento ng Alon, likhang sining ni Kristine Lim
Para kay Kristine, ang Kuwento ng Alon ay hindi dapat isalin ng literal ngunit, dapat makita ang mga sarili sa mga kuwento ng alon na iyon. Ito ay isang kolaborasyon kasama si Jonathan Manalo, isang batikan at kilalalang composer sa Pilipinas ng kantang Pinoy Ako Pinoy Tayo ng Pinoy Big Brother.
Sumasalamin sa Kuwento ng Alon kung sino ang mga Pilipino, ang mga kwentong nakapaloob sa musika, at mga likhang sining na dinadala sa buong mundo kabilang ang Beijing, Tsina, na laging pinaaalalahanan na tayo ay mga alon.
Ang mga Flipino ay may kapasidad na gumawa ng mga alon, na tayo ay mula sa pagbuo ng isang bansang napakaganda na mula sa Kuwento ng Alon.
Ayon kay Kristine, bilang isang Pilipinong kontemporaryong artista, malaki ang maiaambag nito sa kultural na aspeto ng bilateral na relasyong Pilipino-Sino.
Para makilala mo ang isang kultura, kailangan mong makita ang ganda niya sa pamamagitan ng visual arts, isang bagay na nahahawakan o nakikita.
Ito ay magbibigay paalala na kahit anong mangayri, nandun parin ang mga painting, likhang sining na magsasabi ng pagkakaron ng matibay at magandang relasyong Pilipino-Sino.
Kristine Lim at Mme. Ana Segovia FlorCruz
Sa pagtatapos ng pagtitipon, pinasalamatan ni Mme. Ana si Kristine sa pagpili sa Beijing bilang isa sa mga destinasyon ng kanyang international tour.
Ulat/Larawan: Ramil Santos