Tsina, panunumbalikin ang visa-free policy para sa mga mamamayan ng Singapore

2023-07-23 17:56:46  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag na inilabas ngayong araw, Hulyo 23, 2023, ng Embahada ng Tsina sa Singapore, panunumbalikin sa susunod na Miyerkules ng pamahalaang Tsino ang 15-araw na visa-free policy para sa mga mamamayan ng Singapore.

 

Sinabi naman ng Ministring Panlabas ng Singapore sa social media, na ang muling pagsasagawa ng Tsina ng visa-free policy sa Singapore ay magbibigay-ginhawa sa pagpapalitang tao-sa-tao at negosyo ng dalawang bansa, at makakabuti rin ito sa pagpapalalim ng kanilang kooperasyon.


Editor: Liu Kai