Ulat ng bangko sentral ng Tsina: walang implasyon at deplasyon sa kabuhayang Tsino

2023-05-16 16:33:24  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng patakarang pansalapi noong unang kuwarter ng 2023 na inilabas Lunes, Mayo 15 ng People's Bank of China, bangko sentral ng bansa, sa kasalukuyan, walang implasyon at deplasyon sa kabuhayang Tsino.

 

Anang ulat, sa katamtaman at pangmalayuang pananaw, nananatiling balanse sa kabuuan ang pangkalahatang suplay at pangangailangan ng bansa, makatwiran at angkop ang mga kondisyong pansalapi, matatag ang ekspektasyon ng mga residente, at walang pundasyon ng long-term na implasyon at deplasyon sa bansa.

 

Ipinakikita rin ng ulat na sa susunod na yugto, patuloy na ipapatupad ng bangko sentral ang malusog at matatag na patakarang pansalapi, pag-iisahin ang pagpapatupad ng estratehiya sa pagpapalawak ng panangailangang panloob at pagpapalalim ng supply-side structural reform, at pasisiglahin ang mga business entity sa pamamagitan ng mga epekto ng patakaran.

 

Buong sikap na igagarantiya rin ng bangko sentral ang katatagan ng paglago ng kabuhayan, hanap-buhay at presyo, dagdag ng ulat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio