Tripulante ng Shenzhou-15 manned spacecraft, dumating ng Beijing

2023-06-05 15:46:10  CMG
Share with:

Makaraang matagumpay na matapos ang 6-buwang misyon sa kalawakan, dumating Linggo, Hunyo 4, 2023 sa Beijing ang mga tripulante ng Shenzhou-15 manned spacecraft.

 


Ang tatlong taikonaut ay sina Fei Junlong, Deng Qingming at Zhang Lu.

 

Ayon sa China Manned Space Engineering Office (CMSEO), papasok sa panahon ng medikal na kuwarentenas ang tatlong taikonaut, at tatanggapin ang komprehensibong medikal na eksaminasyon at ebaluwasyon.

 

Katatagpuin nila ang media matapos nilang magpahinga.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio