Mga priyoridad para sa kaunlarang ekonomiko ng Tsina sa huling hati ng 2023, inilarawan ng liderato ng CPC

2023-07-25 16:04:53  CMG
Share with:

Nagpulong Lunes, Hulyo 24, 2023 ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), upang analisahin ang kasalukuyang situwasyong ekonomiko at isaayos ang mga gawaing ekonomiko sa huling hati ng taong ito.

 

Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.

 

Hiniling sa pulong na dapat may presisyong isagawa ang makro-ekonomikong regulasyon, palakasin ang counter-cyclical regulation, at gawin ang mas maraming pagpili ng polisiya.

 

Tinukoy sa pulong na sa kasalukuyan, nahaharap ang kabuhayang Tsino sa mga kahirapan at hamon na dulot ng di-sapat na pangangailangang panloob, mga kahirapan sa operasyon ng mga bahay-kalakal, mga panganib at nakatagong panganib sa mga masusing larangan, masalimuot na kapaligirang panlabas at iba pa.

 

Kailangang igiit ang proaktibong polisiyang piskal at matatag na polisiyang pansalapi, ipagpatuloy, i-optimisa, kumpletuhin at ipatupad ang pagbabawas sa buwis at gastos, at ganap na gampanan ang papel ng quantitative and structural monetary tools, dagdag ng pulong.

 

Ipinagdiinan din sa pulong ang sigasig upang aktibong palawakin ang pangangailangang panloob, at gampanan ang pundamental na papel ng konsumo sa pagpapasulong sa paglago ng kabuhayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil