Liham ng mga estudyante ng middle school ng Hong Kong, sinagot ni Xi Jinping

2023-07-25 17:13:16  CMG
Share with:

Sa kanyang pagsagot sa liham ng mga estudyante ng Pui Kiu Middle School ng Hong Kong Lunes, Hulyo 24, 2023, inenkorahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga estudyante na gawin ang ambag para sa pagtatatag ng mas magandang Hong Kong at pagsasakatuparan ng pag-ahon ng nasyon.

 

Saad ni Xi, buong lugod niyang nalaman na nagmalaki ang mga estudyante sa pagiging mamamayang Tsino, makaraang sumali sa mga aktibidad na gaya ng pakikipagpalitan sa mga taikonaut ng Tiangong space station ng bansa.

 

Aniya, ang diwa ng pagkamakabayan ay puso ng diwa ng Nasyong Tsino.

 

Ang pagpapanatili ng mga taga-Hong Kong ng tradisyon ng pagmamahal ng kapuwa inang bayan at Hong Kong ay mahalagang pundasyon ng pagiging matatag at pangmalayuan ng pagpapatupad ng “isang bansa, dalawang sistema,” dagdag ni Xi.

 

Hinimok niya ang mga estudyante na pahusayin ang kani-kanilang kakayahan, upang maging talentong maaaring magsabalikat ng malaking responsibilidad.

 

Ang Pui Kiu Middle School ay itinatag noong 1946, at kilalang kilala ito bilang isa sa mga paaralan sa Hong Kong na unang nagtaas ng pambansang watawat makaraang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil