Ministrong panlabas at gobernador ng bangko sentral ng Tsina, hinirang sa sesyon ng punong lehislatura ng Tsina

2023-07-26 16:05:10  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng pagboto, hinirang Martes, Hulyo 25, 2023 sa ika-4 na sesyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, si Wang Yi bilang ministrong panlabas ng bansa, at si Pan Gongsheng bilang gobernador ng People’s Bank of China, bangko sentral ng bansa.

 

Ayon naman sa desisyong pinagtibay sa nasabing sesyon, si Qin Gang ang itiniwalag sa posisyon bilang ministrong panlabas, at si Yi Gang naman ay itiniwalag sa posisyon bilang gobernador ng bangko sentral.

 

Nilagdaan ni Pangulong Xi Jinping ang kautusang presidensyal para sa pagkakabisa ng desisyong ito.

 

Sinuri rin sa sesyon ang isang draft amendment ng Criminal Law.

 

Pinag-uukulan ng panukalang sinusugang batas ang mas mainam na pagpapatupad ng mga patakaran ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa paglaban sa korupsyon at pangangalaga sa mga pribadong bahay-kalakal, alinsunod sa batas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil