Tsina at Pransya, palalakasin ang kooperasyon sa kabuhayan at pinansya

2023-07-30 15:53:27  CMG
Share with:


Idinaos kahapon, Hulyo 29, 2023, sa Beijing, ang Ika-9 na Mataas na Lebel na Diyalogo sa Kabuhayan at Pinansya ng Tsina at Pransya.

 

Magkasamang nangulo sa diyalogo sina He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Bruno Le Maire, Minister of Economy, Finance and Industrial and Digital Sovereignty ng Pransya.

 

Ipinahayag ni He, na sa ilalim ng estratehikong patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, ipinakikita ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pransya ang malakas na resilience at mainam na tunguhin ng pag-unlad.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Pransya, na palakasin ang pag-uugnayan sa mga patakaran, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, pahigpitin ang koordinasyon sa mga pandaigdigan at multilateral na suliranin, at pasulungin sa bagong antas ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Sinabi naman ni Le Maire, na kailangang palakasin ng Pransya at Tsina ang kooperasyon sa kabuhayan at pinansya, at walang humpay na pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa.

 

Narating sa diyalogo ang 57 bunga ng kooperasyon sa 22 aspekto.


Editor: Liu Kai