Emergency response para sa baha, itinaas sa mga rehiyon sa kahilagaan ng Tsina

2023-07-31 17:49:31  CMG
Share with:

 

Ipinatalastas kahapon, Hulyo 30, 2023, ng Pambansang Pamunuan Laban sa Baha at Tagtuyot ng Tsina, ang pagtaas sa Level II na emergency response para sa baha sa mga rehiyon sa kahilagaan ng bansa na kinabibilangan ng Beijing, Tianjin, Hebei, Shanxi, at Henan.

 

Ipinadala rin ng naturang pamunuan ang mga work team sa mga rehiyong ito, para tulungan ang mga pamahalaang lokal sa paglaban sa baha.

 

Nitong dalawang araw na nakalipas, sinasalanta ng napakalakas at tuluy-tuloy na ulan ang naturang limang rehiyon, at patuloy hanggang ngayon ang pag-uulan.

 

Samantala, pinananatili ng National Meteorological Center ang pinakamataas na pulang alerto para sa pag-ulan sa mga rehiyong ito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos