Iniutos Martes, Agosto 1, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga departamento na buong sikap na iligtas ang mga nawawala at nakulong dahil sa baha, water logging at geological disaster na dulot ng bagyong Doksuri kamakailan.
Samantala, hiniling naman ni Premyer Li Qiang ng bansa na mataimtim na ipatupad ang kautusan ni Pangulong Xi.
Aniya, dapat puspusang bigyan ng Pangkalahatang Kuwartel Laban sa Baha at Tagtuyot, Ministry of Emergency Management, Ministry of Water Resources at iba pang departamento ng patnubay at tulong ang paghahanap at pagliligtas ng mga apektadong lugar ng mga nawawala at nakulong na tauhan, bawasan sa pinakamalaking digri ang kasuwalti, maayos na patuluyin ang mga apektadong mamamayan, at panumbalikin sa lalong madaling panahon ang normal na kaayusan ng produksyon at pamumuhay.
Hiniling din ni Li sa iba’t ibang kaukulang panig na pag-ibayuhin ang pagmomonitor, pagbabala at pagpapatrolya, detalyadong ipatupad ang mga hakbangin sa pagpigil sa baha at bagyo, at totohanang igarantiya ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil