Isang mensahe ng pakikidalamhati ang ipinadala Martes, Agosto 1, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Arif Alvi ng Pakistan, kaugnay ng suicide bombing attack na naganap sa hilagang kanluran ng Pakistan.
Saad ni Xi, kasindak-sindak niyang nalaman ang hinggil sa suicide bombing sa probinsyang Khyber Pakhtunkhwa ng Pakistan na nagdulot ng malaking kasuwalti.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni Xi ang malalimang pakikidalamhati sa mga nabiktima, at taos-pusong pakikiramay sa mga nasugatan at pamilya ng mga nasawi.
Diin ni Xi, tinututulan ng panig Tsino ang anumang porma ng terorismo, at mariing kinokondena ang nasabing bombing attack.
Patuloy at buong tatag aniyang susuportahan ng bansa ang pagpapasulong ng Pakistan ng plano sa paglaban sa terorismo, at magkasamang ipagtatanggol ang kapayapaan at katiwasayan ng rehiyon at daigdig.
Nang araw ring iyon, ipinadala naman ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang mensahe ng pakikidalamhati sa kanyang Pakistani counterpart na si Shehbaz Sharif.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
MOFA: mariing kinondena ng Tsina ang suicide bombing sa Pakistan
Xi Jinping, bumati sa ika-10 anibersaryo ng pagsisimula ng China-Pakistan Economic Corridor
Pangulong Tsino, inutos ang buong sikap na pagliligtas ng mga apektadong tao sa bagyo
Halos 50 katao, nasawi sa pagsabog sa isang pagtitipun-tipong pulitikal sa Pakistan