Paglagay ng Amerika sa 2 kompanyang Tsino sa "Uyghur Forced Labor Prevention Act Entity List,” tinututulan ng Tsina

2023-08-03 16:48:23  CMG
Share with:

Inilagay kamakailan ng Amerika ang dalawang kompanyang Tsino at mga subsidiary nila sa umano’y "Uyghur Forced Labor Prevention Act Entity List."

 

Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 2, 2023, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina na walang batayan ang naturang hakbangin. Ito ay malabo at tipikal na pang-ekonomiyang pamimilit.

 


Dagdag pa nito, mahigpit na kinokondena at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina.

 

Aniya, walang umano’y “forced labor” sa Xinjiang. Pawang pag-imbento at kasinungalingan ang isinagawang sangsyon sa Tsina ng Amerika, ito ang unilateral na bullying na nakakasira sa kasaganaan at katatagan ng Xinjiang.

 

Hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang maling aksyon. Isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong kapakanan at karapatan ng mga kompanyang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil