PBBM, nakipagtagpo kay dating Pangulong Duterte sa Malacañang

2023-08-03 16:44:31  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Miyerkules, Agosto 2, 2023 sa Malacañang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) ng Pilipinas kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Ibinahagi ng dating pangulo kay PBBM ang mga detalye ng kanyang pagbisita kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Beijing noong nagdaang buwan.

 


Tinalakay rin nila ang iba pang mga isyu, at ibinigay ni Pangulong Duterte ang ilang mungkahi kay PBBM.

 

Nauna rito, inihayag ni Pangulong Marcos ang pag-asang pasusulungin ng inisiyatiba ng dating pangulo ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina, at tutulungan ang dalawang bansa na resolbahin ang kanilang pagkakaiba.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil

 

Photo credit: POC