Ika-2 C919 aircraft na gawang Tsina, pumasok sa regular na serbisyo

2023-08-03 16:37:51  CMG
Share with:


Pumasok na Miyerkules, Agosto 2, 2023 sa regular na serbisyo ang ika-2 C919 large passenger plane na ginawa ng Tsina.

 

Ang nasabing eroplano ay idineliber sa operator nito na China Eastern Airlines sa kalagitnaan ng Hulyo.

 

Nakatakdang lumipad ang eroplanong ito sa pagitan ng Munisipalidad ng Shanghai at lunsod Chengdu, lalawigang Sichuan - magkaparehong linya ng serbisyo ng unang C919 aircraft.

 

Ayon sa China Eastern Airlines, lilipad ang C919 jetliner sa mas maraming lunsod na gaya ng Xi’an sa lalawigang Shaanxi, Kunming sa lalawigang Yunnan, at Guangzhou sa lalawigang Guangdong.

 

Pinaplanong bilhin ng China Eastern Airlines ang tatlo pang C919 jetliner sa kasalukuyang taon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil