Pinangalanang “Flight MU9191,” matagumpay na naisakatuparan Linggo, Mayo 28, 2023 ng C919, malaking pampasaherong eroplano sariling-gawa ng Tsina, ang kauna-unahan nitong komersyal na lipad, mula Shanghai Hongqiao International Airport patungong Beijing Capital International Airport.
Ayon sa VariFlight, isang kompanyang nagkakaloob ng serbisyo ng aviation data, mula Biyernes, Mayo 26, nagsimula nang ibenta ang ticket ng C919 commercial flight mula Shanghai Hongqiao International Airport patungong Chengdu Tianfu International Airport, lalawigang Sichuan, para sa Mayo 29.
Ito ang unang C919 commercial flight para sa mga karaniwang pasahero, dagdag ng VariFlight.
Mga 919 yuan RMB (halos US$130) ang presyo ng isang tiket sa economy class.
Ang C919 ay idinebelop ng Commercial Aircraft Corporation of China (COMAC), at nakamit nito ang type certificate ng Civil Aviation Administration of China (CAAC) noong Setyembre 2022.
Matatandaang noong Marso 2021, nilagdaan ng China Eastern Airlines ang kontrata para sa pagbili ng limang C919, at tinanggap nito ang unang C919 jet, Disyembre 9, 2022.
Ito ang kauna-unahang C919 na naideliber sa kostumer.
Samantala, sinimulan, Disyembre 26, 2022 ng China Eastern Airlines ang 100-oras na verification flight ng unang C919 jet nito, para suriin ang kaligtasan ng operasyon ng eroplano.
Ayon sa COMAC, hanggang sa kasalukuyan, mahigit 1,200 C919 jetliner na ang nai-order.
Salin: Vera
Pulido: Rhio