Inihatid, Disyembre 18, 2022 ng Commercial Aviation Corp of China (COMAC) ang ARJ21 jet sa una nitong kliyenteng dayuhan na TransNusa Airlines ng Indonesya.
Ang ARJ21 ay unang regional jet na sarilinang dinebelop at ginawa ng Tsina.
Ito ay hudyat ng pagpasok ng nasabing Chinese passenger jet sa dayuhang merkado.
Ayon sa COMAC, mayroong 95 upuan ang naturang eroplano, at may gayak na guhitang asul at dilaw, tatak ng TransNaru.
Bukod diyan, kaya nitong maabot ang layong mula 2,225 hanggang 3,700 kilometro, at maaaring lumipad sa mga bundok at talampas, at makaka-angkop sa iba't-ibang kondisyon ng mga paliparan.
Sapul nang pormal na ilunsad sa merkado ng sibil na abyasyon ng Tsina noong 2016, ang ARJ21 jet ay lumilipad na sa higit 300 linyang panghimpapawid sa mahigit 100 lunsod, at nagdadala ng mahigit 5.6 milyong pasahero, dagdag ng COMAC.
Salin: Jade
Pulido: Rhio