Sinabi ng mamamahayag na sumakay ng bapor ng pamamatrolya ng Pilipinas sa South China Sea na hinarang ng isang coast guard vessel ng Tsina ang bapor ng Pilipinas sa paligid ng Ren’ai Reef, at muntik na magkabanggaan ang dalawang bapor.
Bilang tugon, inihayag Biyernes, Abril 28, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Ren’ai Reef ay isang bahagi ng Nansha Isalands ng Tsina.
Isinalaysay niyang noong Abril 23, walang pahintulot na pumasok ang dalawang coast guard vessel ng Pilipinas sa rehiyong pandagat ng Ren’ai Reef, at sinadyang isinagawa ang probokatibong aksyon sa pamamagitan ng paglapit sa isang coast guard vessel ng Tsina.
Ipinagtanggol aniya ng mga Chinese coast guard vessel ang territorial sovereignty at kaayusang pandagat alinsunod sa batas, at napapanahong isinagawa ang hakbangin para maiwasan ang mapanganib na paglapit ng bapor ng panig Pilipino at aksidente ng pagbangga.
Propesyonal at mapagtimpi ang kaukulang maneobra, dagdag niya.
Ipinagdiinan ni Mao na ang pagpasok ng mga bapor ng Pilipinas na may lulang mamamahayag sa rehiyong pandagat ng Ren’ai Reef ay paunang pinakanang aksyong probokatibo, at inihayag ng panig Tsino ang solemnang representasyon at mariing kawalang-kasiyahan tungkol dito.
Hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Pilipino na igalang ang soberanya at karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina sa South China Sea, at itigil ang aksyong posibleng humantong sa pagiging masalimuot ng kalagayan.
Salin: Vera
Pulido: Lito
Pagdedeploy-militar ng Amerika, nagpapa-igting ng tensyon ng SCS – Tsina
Pagkakaibigan at kooperasyon, isusulong ng Tsina’t Pilipinas: PBBM, kinatagpo si Qin Gang
Pagpapalakas ng pakikipagsanggunian sa Pilipinas, inaasahan ng Tsina
Ensayong Balikatan ng Pilipinas at Amerika, sinimulan: mga Pinoy, nagprotesta bilang pagkabahala