Ayon sa isang pulong na idinaos kahapon, Agosto 5, 2023, ipinadala ng Pambansang Pamunuan Laban sa Baha at Tagtuyot ng Tsina ang sampung grupo bilang tulong sa mga gawain ng pagliligtas at panaklolo sa mga lugar sa hilaga at hilagang silangan ng bansa na apektado ng baha.
Ang pulong na ito ay itinaguyod ng tanggapan ng naturang pamunuan at Ministry of Emergency Management, kasama ng China Meteorological Administration, Ministry of Water Resources, Ministry of Natural Resources, at mga tanggapan laban sa baha sa antas ng lalawigan.
Inanalisa sa pulong ang kalagayan ng baha at ibang mga kapahamakang heolohikal sa hilaga at hilagang silangan ng Tsina, at inayos ang mga gawain ng pagliligtas at panaklolo sa mga pangunahing lugar.
Tumutulong ang naturang sampung grupo sa mga lokal na awtoridad para sa pagkontrol sa baha at pagliligtas sa Beijing, Tianjin, at lalawigang Hebei sa hilaga ng Tsina, at mga lalawigang Jilin at Heilongjiang sa hilagang silangan.
Samantala, pinananatili ng naturang pamunuan ang Level-II emergency response sa Tianjin at Hebei, at Level-III in Beijing, Jilin, at Heilongjiang.
Editor: Liu Kai