Hun Manet, hinirang ng haring Kambodyano bilang bagong punong ministro

2023-08-07 16:30:51  CMG
Share with:


Inisyu Lunes, Agosto 7, 2023 ni Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya ang isang royal decree kung saan hinirang si Hun Manet bilang bagong punong ministro ng pamahalaan, at 5 taon ang termino niya.

 

Kailangang magwagi si Hun Manet ng confidence vote ng parliamento na gaganapin Agosto 22, upang pormal na maging punong ministro.

 

Tinatayang manunumpa siya sa tungkulin sa magkaparehong araw.

 

Ayon sa resulta ng halalan na inilabas ng Pambansang Lupong Elektoral ng Kambodya nitong Agosto 5, nagwagi ang Cambodian People's Party (CPP) ng 120 luklukan ng kabuuang 125 luklukan ng pambansang asembleya, at mamumuno ito sa pagbuo ng bagong pamahalaan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil