CMG Komentaryo: Industriya ng pagbabangko ng Amerika, nahaharap sa multipleng presyur

2023-08-10 15:45:27  CMG
Share with:

Pinababa nitong Agosto 7, 2023 ng Moody's Investors Service, isa sa tatlong pinakamalaking credit rating agency sa daigdig, ang credit rating ng 10 maliliit at katamtamang bangko ng Amerika, at inilakip ang 6 na malalaking bangkong kinabibilangan ng Bank of New York Mellon, U.S. Bancorp, State Street at Truist Financial para sa review ng potential downgrades.

 

Bukod pa riyan, binago rin nito ang pagtanaw sa 11 bangko sa negatibo.



Tinukoy ng ulat ng Moody's na nahaharap ang industriya ng pagbabangko ng Amerika sa multipleng presyur na kinabibilangan ng presyur sa pangingilak ng pondo at di-sapat na pagsusuperbisa at pangangasiwa.

 

Kabilang dito, ang kahirapan sa pangingilak ng pondo ay nagsasapanganib sa buhay ng maraming bangkong Amerikano.

 

Nauna rito, pinababa ng Fitch Ratings ang Long-Term Foreign-Currency Issuer Default Rating ng Amerika sa AA+ mula AAA, upang magpahayag ng kawalang kasiyahan sa deadlock ng debt ceiling at kakayahan sa pangangasiwang piskal ng Amerika.

 

Bilang wind vane ng real economy, ang pagsadlak ng industriya ng pagbabangko ng Amerika sa krisis ay posibleng magbunsod ng isang serye ng mga negatibong epekto.

 

Tinukoy ng ulat ng Moody’s na sasadlak sa mild recession ang kabuhayang Amerikano sa unang dako ng 2024, at ibayo pang lalala ang panganib na kahaharapin ng industriya ng pagbabangko nito.

 

Ipinalalagay ng tagapag-analisa na kung malawakang kakalat ang krisis sa sistemang pinansyal, at makakaapekto ito sa real economy, posibleng magdulot ito ng negatibong epekto sa kabuhayang Amerikano, maging sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil