Restriksyon ng Amerika sa pamumuhunan sa Tsina, tinututulan ng Tsina – MOFA

2023-08-10 15:29:06  CMG
Share with:

Nilagdaan Huwebes, Agosto 10, 2023 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang executive order kung saan lilimitahan ang pamumuhunang Amerikano sa Tsina sa tatlong kategoryang kinabibilangan ng semiconductors at microelectronics, quantum information technologies, at artificial intelligence.

 

Kaugnay nito, inihayag nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol dito, at iniharap na ang solemnang representasyon sa panig Amerikano.

 

Tinukoy ng tagapagsalitang Tsino na sa katuwiran ng pambansang seguridad, sinusugpo ng Amerika ang pamumuhunan ng mga kompanyang Amerikano sa Tsina, inaabuso ang ideya ng pambansang seguridad, at isinasapulitika ang business engagement.

 

Aniya, ang tunay na layunin nito ay ipagkait ang karapatang pangkaunlaran ng Tsina, at ipagtanggol ang hegemonismo at personal na kapakanan ng Amerika.

 

Ang ganitong aksyon ng Amerika ay malubhang lumalabag sa simulain ng market economy at patas na kompetisyon, grabeng nakakasira sa pandaigdigang kaayusan ng kabuhaya’t kalakalan, malubhang humahadlang sa katatagan ng global industry at supply chain, at malubhang nakakapinsala rin sa kapakanan ng sirkulo ng komersyo ng dalawang bansa, maging ng buong mundo, dagdag niya.

 

Diin ng tagapagsalitang Tsino, hinimok ng Tsina ang Amerika na totohanang ipatupad ang pangako ni Pangulong Biden na walang balak siyang kumalas sa Tsina at humadlang sa pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, itigil ang pagsasapulitika, paggawang kagamitan at sandata ng isyung pangkabuhayan, pangkalakalan, pansiyensiya, at panteknolohiya, agarang iwasto ang maling desisyon, kanselahin ang restriksyon sa pamumuhunan sa Tsina, at likahain ang magandang kapaligiran para sa kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil