Sa kanilang pagtatagpo kahapon, Agosto 11, 2023, sa Penang, Malaysia, ipinangako nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia na palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa para sa win-win result.
Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Malaysia, na panatilihin ang tunguhin ng malusog at malakas na pag-unlad ng bilateral na relasyon, ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at ibigay ang bagong ambag para sa pag-unlad at pag-ahon ng rehiyong ito.
Dagdag niya, natamo ng Tsina at Malaysia ang maraming bunga sa kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road, at ang kanilang mga proyektong pangkooperasyon na gaya ng East Coast Rail Link at dalawang parkeng industriyal sa isa’t isa ay nagdulot ng mabuting epektong pangkabuhayan at panlipunan.
Sinabi naman ni Anwar, na ang Tsina ay mabuti at maaasahang kaibigan ng Malaysia, at nagkakaroon ang dalawang bansa ng espesyal na pagkakaibigan at malakas na pagtutulungan.
Aniya, ipinatupad ng dalawang bansa ang mga narating na komong palagay ng kani-kanilang lider, at natamo ang progreso sa kooperasyon sa mga aspekto ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, pagpapalitang tao-sa-tao, turismo, at iba pa.
Ipinahayag din niya ang pagtanggap sa pagdaragdag ng mga bahay-kalakal na Tsino ng pamumuhunan sa Malaysia.
Nakahanda ang Malaysia, kasama ng Tsina, na palalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang aspekto para maisakatuparan ang mas maraming mutuwal na pakinabang at win-win result, dagdag ni Anwar.
Editor: Liu Kai