2023 China International Fair for Trade in Services, gaganapin sa Setyembre

2023-08-14 16:38:43  CMG
Share with:

Mula Setyembre 2 hanggang 6, 2023, gaganapin sa China National Convention Center at Shougang Industrial Park ang 2023 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS).

 


Itatayo ng 27 bansa at international organizations ang mga offline na pagtatanghal, at kabilang sa kanila, sa kauna-unahang pagkakataon, ang Georgia, Sudan at United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF).

 


Bukod pa riyan, bilang guest country of honor, bubuuin ng Britanya ang pinakamalaking delegasyon ng pagtatanghal ng kalakalang panserbisyo sa kasaysayan ng pagsali sa CIFTIS.

 


Ibayo pang itatampok ng kasalukuyang exhibition ang internationalization, palalalimin ang kooperasyon sa international organizations, at itataguyod ang Global Trade in Services Summit.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mark