Nilagdaang artikulo, isinapubliko ni Pangulong Xi sa mga media ng Timog Aprika

2023-08-22 17:12:08  CMG
Share with:

Isinapubliko Agosto 21, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nilagdaang artikulo na pinamagatang “Ailing the Giant Ship of China-South Africa Friendship and Cooperation Toward Greater Success” sa mga media ng Timog Aprika, sa paglahok sa Ika-15 Brazil, Russia, India, China and South Africa (BRICS) Summit sa Johannesburg, Timog Aprika at nagsagawa ng dalaw-pang-estado sa bansang ito.

 

Sa artikulo, sinabi ni Xi na nitong 25 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko, ang relaysong Sino-Timog Aprikano ay naging isa sa mga pinakamasiglang relasyon sa mga umuunlad na bansa, at ito’y pumasok sa “gintong panahon.”

 

Aniya, inaasahan niyang sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, magsisikap siya, kasama ni Pangulong Ramaphosa, para planuhin ang bagong pahina ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ni Xi na dapat palakasin ng kapuwa panig ang pag-unlad ng estratehikong pag-uugnayan, palakasin ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura, digital economy, inobasyong panteknolohiya, pagbabago ng enerhiya at iba pang larangan, para makapaghatid ng benepisyo sa mas maraming mamamayan ng dalawang bansa.

 

Dapat patuloy na pasulungin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang panig sa kultura, turismo, edukasyon, palakasan, media, unibersidad, lokalidad, kabataan at iba pang larangan, ani Xi.

 

Dapat magkaisa ang Tsina at Timog Aprika, at magkakasamang manawagan na palawakin ang impluwensiya ng mga umuunlad na bansa sa mga suliraning pandaigdig, pabilisin ang reporma ng pandaigdigang organong pinansyal, at magkakasamang tutulan ang unilateral na sangsyon.

 

Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap, kasama ng mga partner ng BRICS, para igiit ang diwa ng pagiging bukas, inklusibo at win-win na kooperasyon, marating ang komong palagay sa mga mahalagang isyu, ipagpatuloy ang diplomatikong tradisyon ng pagsasarili, matatag na mapangalagaan ang katuwiran at katarungan ng daigdig, at pasulungin ang komunidad ng daigdig sa mga isyu ng pag-unlad.

 

Isinapubliko ang artikulo ng mga media ng Timog Aprika, na tulad ng Star, Cape Times, The Mercury, Independent Online at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil