Tsina sa Amerika: itigil ang pagsugpo sa mga estudyanteng Tsino sa katuwiran ng pambansang seguridad

2023-08-29 15:58:16  CMG
Share with:

Hinimok, Lunes, Agosto 28, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na ihinto ang pagsugpo sa mga estudyanteng Tsino, sa katuwiran ng pambansang seguridad at totohanang tanggapin ang mga estudyanteng ito; at itigil ang pagpapatupad ng di-makatarungang Proklamasyon 10043.

 

Kaugnay nito, sinabi niyang ninakaw kamakailan ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika ang personal na impormasyon ng isang estudyanteng Tsino sa bansa, at siya’y inaresto’t isinakdal dahil sa umano’y “visa fraud.”

 

Kahit aniya di-sapat ang ebidensya at batayan, pinigil, inimbestigahan at pinauwi ng Customs and Border Protection (CBP) ng Amerika ang tatlong estudyanteng Tsino sa Amerika.

 

Matatag na tinututulan ng Tsina ang walang katuwirang pagpigil, pag-iimbestiga at pagpapauwi ng panig Amerikano sa mga estudyanteng Tsino, aniya pa.

 

Saad ni Wang, ang nasabing aksyon ng panig Amerikano ay pagsugpo’t persekusyon batay sa layuning pulitikal.

 

Patuloy aniyang isasagawa ng panig Tsino ang kinakailangang hakbangin, upang pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino.

 

Pina-alalahanan din niya ang mga mag-aaral na Tsino sa Amerika na magmatyag sa kaukulang panganib.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio