Pagbabawal sa pag-aangkat ng pagkaing-dagat mula sa Hapon, “lehitimo” – Tsina

2023-08-31 16:03:21  CMG
Share with:

Bilang sagot sa bantang posibleng isampa ng Hapon para sa arbitrasyon ng Wolrd Trade Organization (WTO) ang pagbabawal ng Tsina sa pagpasok ng lahat ng pagkaing-dagat mula sa Hapon dahil sa isyu ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, sinabi Agosto 30, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyong ito ay “lehitimo.”

 


Ani Wang, maraming beses nang ipinaliwanag ng Tsina ang posisyon nito kaugnay ng aksyon ng Hapon.

 

Binatikos ng komunidad ng daigdig ang pamahalaang Hapones at isinagawa na ang kinauukulang mga pag-iingat na hakbangin bilang tugon sa “sobrang makasarili” at “iresponsableng” aksyong ito, dagdag ni Wang.

 

Ipinagdiinan pa niyang ang pagbabawal ng Tsina ay pangkagipitang aksyon na “lehitimo” at “makatuwiran.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio