Xi sa mga bagong kadete: maging mahusay na personaheng militar

2023-08-31 17:45:45  CMG
Share with:

Sa kanyang sagot na liham kamakailan sa 20 estudyante ng Qianshan Yezhai Middle School sa lalawigang Anhui, inenkorahe sila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na magpunyagi para maging mahusay at propesyonal na personaheng militar.

 

Ang nasabing mga estudyante ay mga bagong kadete sa akademiyang militar.

 

Ipinaabot ni Xi ang magandang hangarin sa pagsisimula ng kani-kanilang biyahe sa nasabing paaralan.

 

Sa kasalukuyang taon, mahigit 100 estudyante ng paaralang ito ang nagprisinta sa pagpasok sa akademiyang militar, at 20 sa kanila ang magkakahiwalay na tinanggap ng 9 na akademiya.

 

Isang liham ang ipinadala kamakailan ng 20 estudyanteng ito kay Xi, upang ipahayag ang kanilang paniniwala at determinasyon sa pagbibigay-ambag sa usaping pandepensa.

 

Ang Qianshan Yezhai Middle School ay nakatayo sa isang napakahalagang pinangyarihan ng rebulosyon.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio