PMI ng sektor ng manupaktura ng Tsina, tumaas sa Agosto

2023-08-31 16:14:43  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Huwebes, Agosto 31, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, tumaas sa 49.7 ang purchasing managers' index (PMI) ng sektor ng manupaktura ng bansa sa Agosto, mula 49.3 noong Hulyo.

 


Bukod dito, 21 industriya ang isinarbey ng nasabing kawanihan, at ayon sa resulta, 12 industriya ang nagkaroon ng paglaki ng negosyo ngayong Agosto.

 

Ibayo pang bumuti ang kapaligiran ng manupaktura sa bansa, dagdag ng ulat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio