Ayon sa datos na inilabas Miyerkules, Mayo 31, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, umabot sa 48.8% ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng industriya ng pagyari ng bansa sa Mayo, at ito ay bumaba ng 0.4% kumpara sa Abril.
Ipinakikita ng datos na 49.6% at 48.3% ang indeks ng produksyon at indeks ng mga bagong order, ayon sa pagkakasunod, at ito ay bumaba ng 0.6% at 0.5% kumpara noong isang buwan, bagay na nagpapakitang di-sapat pa rin ang pangangailangan sa pamilihan ng industriya ng pagyari.
Samantala, may pagtaas ang PMI ng ilang mahahalagang industriya.
Sa Mayo, umabot sa 50.4%, 50.5% at 50.8% ang PMI ng equipment manufacturing, high-tech manufacturing, at consumer products industries, ayon sa pagkakasunod, at ang mga ito ay pawang tumaas sa magkakaibang digri kumpara noong isang buwan.
Nananatiling matatag sa kabuuan ang market sentiment, at ang indeks ng business expectation ay umabot sa 54.1%.
Salin: Vera
Pulido: Ramil