Grupong sibil ng Hapon, iniharap ang akusasyon laban sa paglabas ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat

2023-09-02 18:27:09  CMG
Share with:

Isinumite kahapon, Setyembre 1, 2023, ng isang grupong sibil ng Hapon ang “liham ng akusasyon” sa Tokyo District Public Prosecutor's Office, bilang tugon kina Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon at Presidente Tomoaki Kobayakawa ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO) sa isyu ng paglabas ng nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima sa Pacific Ocean.

 

Ayon sa liham, mayroon pa ring mga elementong radyoaktibo sa tubig mula sa Advanced Liquid Processing System, iyong sistemang sinasabi ng panig opisyal ng Hapon at TEPCO na nakakapagpaalis ng mga radyoaktibong materyal sa kontaminadong tubig. Kaya anito, sobrang grabe ang paglabas ng tubig na ito sa dagat.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos