Muling nagprotesta, Setyembre 2, 2023 sa lunsod Seoul ang libu-libong Timog Koreanong kinabibilangan ng mga mangingisda, aktibista at pulitiko, bilang pagtutol sa pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.
Sigaw ng mga demonstrador, “Agarang itigil ang pagtatapon ng radioactive wastewater sa dagat” at “Ipagbawal ang pag-aangkat ng lahat ng produktong akwatiko mula sa Hapon.”
Hinimok din nila ang pamahalaan ng Timog Korea na isakdal sa International Tribunal for the Law of the Sea ang pamahalaang Hapones.
Salin: Vera
Pulido: Rhio