Bagong gabinete ng Thailand, nanumpa sa tungkulin

2023-09-06 15:06:42  CMG
Share with:


Dusit Palace, Bangkok – Nanumpa Martes, Setyembre 5, 2023 sa tungkulin kay Haring Maha Vajiralongkorn ang bagong gabinete ng Thailand na pinamumununan ni Punong Ministro Srettha Thavisin.

 

Pagkatapos ng seremonya ng panunumpa, inihayag sa media ni Srettha na walang tigil na magpupunyagi ang bagong pamahalaan, upang resolbahin ang mga problema at tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

 

Inanunsyo niyang sa Setyembre 11, gagawin ng bagong pamahalaan ang policy statement address sa parliamento, at idaraos ang unang pulong ng gabinete.

 

Ang bagong gabinete ay binubuo ng 34 na opisyal na kinabibilangan ng 6 na pangalawang punong ministro.

 

Nanunungkulan din si Punong Ministro Srettha bilang ministro ng pinansya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil