Kooperasyon ng Tsina at ASEAN, mananatiling matatag kung igigiit ng kapuwa panig ang tamang landas – Premyer Tsino

2023-09-06 15:47:31  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati sa ika-26 na China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit Miyerkules, Setyembre 6, 2023, ipinagdiinan ni Premyer Li Qiang ng Tsina na kung igigiit ng Tsina at mga bansang ASEAN ang tamang landas, saka lamang mananatiling matatag at aabante ang kanilang kooperasyon.

 

Saad ni Li, may malaking progreso ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN, at ito ay bunga ng pag-uunawa ng kapuwa panig sa kanilang mga kahirapan.

 

Sa mula’t mula pa’y iginigiit ng Tsina at mga bansang ASEAN ang hangarin sa kapayapaan at malakas na paghangad sa kaunlaran, at isinasagawa ang mga aktuwal na aksyon upang pangalagaan ang katatagan ng rehiyon, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil