Ayon sa datos na inilabas Martes, Agosto 8, 2023 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang 7 buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa 23.55 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ng Tsina, at ito ay lumago ng 0.4% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, 13.47 trilyong yuan ang pagluluwas, na lumaki ng 1.5% kumpara sa gayun ding panahon ng 2022; samantalang 10.08 trilyong yuan naman ang pag-aangkat, na bumaba ng 1.1%.
Umabot sa 3.46 trilyong yuan ang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa noong Hulyo, at ito ay bumaba ng 8.3% kumpara noong Hulyo ng 2022.
Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Tsina, at 3.59 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan noong nagdaang 7 buwan, na lumago ng 2.8%.
Bukod pa riyan, 8.06 trilyong yuan ang pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng Tsina at mga kasaling bansa ng Belt and Road, at ito ay lumago ng 7.4% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Kabuuang bolyum ng kalakalan ng serbisyo ng Tsina sa unang hati ng 2023, lumaki ng 8.5%
Tsina: Pagkontrol sa pagluluwas ng mga UAV, hindi nakatugon sa anumang espesyal na bansa at rehiyon
Tsina: bukas at malugod na tinatanggap ang gagawing pagdalaw ng kalihim ng komersyo ng Amerika
Kalakalang panlabas ng Tsina, tumaas ng 2.1% sa unang hati ng 2023