Taiwan, walang anumang batayan, dahilan, o karapatang sumali sa mga internasyonal na organisasyon na maaaring sumali lang ang mga soberanyang bansa

2023-09-06 16:53:42  CMG
Share with:

Kaugnay ng maling pananalita ng awtoridad ng Taiwan sa “pakikilahok sa apat na apela ng United Nations (UN),” sinabi, Setyembre 5, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Taiwan ay walang anumang batayan, dahilan, o karapatang sumali sa United Nations (UN) at mga pandaigdigang organisasyon na maaaring sumali lang ang mga soberanong bansa.

 


Sinabi ni Mao na ang Taiwan ay bahagi ng Tsina, pero, binabalewala ng Democratic Progressive Party (DPP) ang katotohanang ito, walang humpay na binabaluktot ng awtoridad ng Taiwan ang UNGA Resolution 2758, bukas na hinahamon ang prinsipyong isang-Tsina na kinikilala ng komunidad ng daigdig, ginagawa ang kasinungalingan para hanapin ang umano’y “pagsasarili ng Taiwan,” at ang pananalita at aksyon ng Taiwan ay mapanganib na separatistang probokasyon.

 

Ang awtoridad ng DPP at puwersang panlabas na sinusuportahan ang separatistang aktibidad ng “pagsasarili ng Taiwan” ay nakakasira sa kasalukuyang kalagayan ng Taiwan Straits, kapayapaan at katatagan ng dalawang pampang, at may responsibilidad sila sa kasalukuyang kalagayan ng Taiwan Straits, saad ni Mao.

 

Salin:Sarah 

Pulido:Ramil