Mga astronaut ng Shenzhou-15 mission, ginawaran ng medalya

2023-09-08 16:24:45  CMG
Share with:

Tatlong astronaut mula sa Shenzhou-15 crewed mission ang ginawaran Huwebes, Setyembre 7, 2023 ng mga medalya para sa kanilang serbisyo sa usapin ng kalawakan ng Tsina.

 

Si Fei Junlong, komander ng nasabing misyon, ang ginawaran ng isang second-class aerospace achievement medal, samantalang sina Deng Qingming at Zhang Lu ay kapuwa pinarangalan ng titulong “Heroic Astronaut” at ginantimpalaan ng mga third-class medal.

 

Ang mga gantimpalang ito ay ibinigay ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Konseho ng Estado, at Central Military Commission.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil