Bumisita Huwebes, Setyembre 7, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga taga-nayong nasalanta ng baha sa lunsod Shangzhi, lalawigang Heilongjiang sa hilagang silangan ng bansa.
Sa nayong Longwangmiao, naglakad siya sa mga taniman, upang suriin ang epekto ng baha sa pagtatanim ng palay.
Naglakbay-suri rin siya sa gawain ng restorasyon ng mga nasirang bahay at imprastruktura.
Habang bumibisita sa bahay ng mga taga-nayon upang malaman ang kani-kanilang kapinsalaan at suplay ng pang-araw-araw na kagamitan, inenkorahe ni Xi sila para patibayin ang kompiyansa sa pananaig ng mga kahirapan.
Umaasa aniya siyang mapapanumbalik ng mga taga-nayon ang normal na produksyon at pamumuhay sa lalong madaling panahon, at magiging mas masigla ang kanilang pamumuhay.
Salin: Vera
Pulido: Ramil