Pangulong Tsino sa bagong pangulo ng Singapore: magkasamang magsikap para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa

2023-09-15 15:58:38  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Setyembre 14, 2023 kay Pangulong Tharman Shanmugaratnam ng Singapore bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Tsina at Singapore ay magkaibigang kapitbansa at mahalagang magkapartner.

 

Sa pamamagitan aniya ng magkasamang pagsisikap, tumatahak ang dalawang bansa sa matagumpay na landas ng pag-aaral sa isa’t-isa, at pagtutulungan para sa mutuwal na kapakinabangan.

 


Ang mga ito ay hindi lamang nakakatulong sa pag-unlad at pagyabong ng kapwa bansa, kundi naging modelo rin ng kooperasyon ng mga rehiyonal na bansa, paliwanag ni Xi.

 

Aniya pa, sa taong ito, itinaas ang relasyon ng Tsina at Singapore sa lebel ng all-round at dekalidad na partnership na humaharap sa kinabukasan, at tumutukoy ito sa makabagong direksyon ng pag-unlad na tatahakin ng dalawang bansa.

 

Sinabi ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon ng Singapore, at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Shanmugaratnam, para itatag ang mainam na relasyon tungo sa tuluy-tuloy na pag-unlad, magpapasulong sa proseso ng modernisasyon, magdudulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig, at magbibigay ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, kasaganaan, at katatagan ng rehiyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio