Pangalawang Pangulong Tsino, dadalo sa pangkalahatang debatehan ng Ika-78 UNGA

2023-09-16 17:58:55  CMG
Share with:

Ipinatalastas kahapon, Setyembre 15, 2023, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-18 hanggang ika-23 ng buwang ito, dadalo si Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina sa pangkalahatang debatehan ng Ika-78 United Nations General Assembly (UNGA).

 

Ayon pa rin kay Mao, sa sidelines ng debatehan, dadalo si Han sa Summit sa UN Sustainable Development Goals, Climate Ambition Summit, mataas na pulong na itataguyod ng Tsina para itanghal ang mga bunga ng kooperasyon sa ilalim ng Global Development Initiative, at iba pang mga aktibidad.

 

Nakikipagtagpo rin siya sa Pangkalahatang Kalihim ng UN, Presidente ng Ika-78 UNGA, at mga lider ng mga bansa.


Editor: Liu Kai