Tsina at G77, bubuksan ang bagong kabanata sa South-South cooperation

2023-09-16 17:56:41  CMG
Share with:

Bilang espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumalo, kahapon, Setyembre 15, 2023, sa Havana, Cuba, si Li Xi, miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, sa Summit ng Group of 77 (G77) at Tsina.

 

Sa kanyang talumpati sa summit, ipinahayag ni Li ang kahandaan ng Tsina, kasama ng G77, na buksan ang bagong kabanata sa South-South cooperation, para isakatuparan ang mas malaking pag-unlad sa pamamagitan ng mas malakas na pagkakaisa.


Editor: Liu Kai