Sa paanyaya ng Partido Komunista ng Cuba (PCC), isinagawa ni Li Xi, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection ng CPC, ang opisyal na dalaw-pangkaibigan sa Cuba mula Setyembre 16 hanggang 18, 2023.
Sa pagtatagpo nila ni Miguel Diaz-Canel, Unang Kalihim ng Komite Sentral ng PCC at Pangulo ng Cuba, sinabi ni Li na handa ang panig Tsino na ipatupad ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang partido at bansa, palalimin ang pagpapalitan ng mga karanasan sa pangangasiwa ng partido at bansa, at pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, patuloy na suportahan ang isa’t-isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes, at pasulungin ang pag-unlad ng sosyalistang usapin.
Pinasalamatan naman ni Diaz-Canel ang matatag na suporta ng Tsina sa pagtutol ng mga mamamayang Cuban sa unilateral na blokeyo at sangsyon.
Malakas aniyang sinusuportahan ng Cuba ang mahahalagang inisiyatibang pandaigdig na iniharap ni Pangulong Xi Jinping.
Samantala, nakipagtagpo rin si Li kay Roberto Morales Ojeda, Miyembro ng Pulitburo at Kalihim ng Organisasyon ng Komite Sentral ng PCC.
Sumang-ayon ang kapuwa panig na palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal at estratehikong koordinasyon, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pangangasiwa ng partido at paglaban sa korupsyon.
Bumisita rin si Li kay Raul Castro, lider ng sosyalistang rebolusyon ng Cuba.
Salin: Vera
Pulido: Rhio