CMG Komentaryo: Europa, dapat may kompiyansang harapin ang kompetisyon sa merkado

2023-09-20 16:03:35  CMG
Share with:

Inanunsyo kamakailan ni Presidente Ursula von der Leyen ng European Commission (EC) ang paglulunsad ng anti-subsidy investigation laban sa mga sasakyang de koryente ng Tsina, at ito ngayon ay mainit na isyu sa loob ng Europa.

 

Nag-aalala ang sirkulo ng sasakyang de motor ng Alemanya na ang aksyong ito ay magbubunsod ng alitan sa taripa, at makakapinsala sa pangmalayuang kapakanan ng industriya ng sasakyang de motor ng sariling bansa.

 

Ayon sa ilang personaheng Europeo, ipinakikita ng nasabing kapasiyahan ang pagtakot ng ilang bansang Europeo sa patas na kompetisyon.

 


Sa kasalukuyan, halos 8% ang occupancy ng sasakyang de koryente ng Tsina sa merkado ng EU, at hindi mataas ang datos na ito.

 

Kung presyo ang pag-uusapan, mas mataas kaysa domestikong merkado ang presyo ng mga produkto ng mga pangunahing tatak ng sasakyang de koryente ng Tsina, pero mas mababa ang presyo nila kumpara sa mga tatak na Europeo.

 

Kaya walang batayan ang katuwiran ng paglulunsad ng EU ng anti-subsidy investigation sa mga sasakyang de koryente ng Tsina.

 


Nitong nakalipas na mahabang panahon, ang Tsina ay mahalagang merkado ng mga kompanya ng sasakyang de motor ng Europa, pero hindi kailaman’y inilatag ng pamahalaang Tsino ang alinmang hadlang sa pagpasok nila sa merkadong Tsino, bagay na nagbigay-garantiya sa tuluy-tuloy at matatag nilang pakikinabang.

 

Makaraang umusbong ang sasakyang de bagong enerhiya ng Tsina, bakit hindi pareho ang pakikitungo ng EU?

 

Ang pagpapataw ng anti-subsidy investigation sa katuwiran ng umano’y “patas na kompetisyon” ay hindi lamang salungat sa simulain ng makatarungan at bukas na kompetisyon ng market economy, kundi taliwas din sa paninindigan ng EU sa malayang kalakalan.

 

Malawak ang espasyo ng kooperasyon at komong kapakanan ng mga industriya ng sasakyan ng Tsina at Europa.

 

Kung tuluy-tuloy na palalalimin ang positibong kompetisyon at kooperasyon ng mga sirkulo ng industriya ng sasakyan, makakatulong ito sa pagpapataas ng kakayahang kompetetibo ng industriya ng sasakyang de bagong enerhiya ng EU at pagsasakatuparan pangmalayuang target na mababang karbong pag-unlad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio