Paggigiit sa multilateralismo at pag-optimisa ng pandaigdigang pangangasiwa, ipinanawagan ng Tsina

2023-09-22 16:03:47  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-78 Sesyon ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UNGA), tinukoy Huwebes, Setyembre 21, 2023 ni Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina na malinaw sa parami nang paraming bansa ang pagkakaroon ng komong kapalaran ng sangkatauhan, at ang pagkakaisa’t pagtutulungan ang siyang tumpak na landas upang makamit ito.

 

Ang kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win na situwasyon ay di-mahahadlang tunguhin ng kasaysayan, dagdag niya.

 

Iminungkahi niya ang paggigiit ng katarungan, upang pangalagaan ang kapayapaan at katiwasayan; mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon, upang pasulungin ang komong kaunlaran; pagbubukas at pagbibigayan, upang hangarin ang sibilisadong progreso; at multilateralismo, upang i-optimisa ang pandaigdigang pangangasiwa.

 

Ang Tsina ay kapamilya ng mga umuunlad na bansa magpakailanman, at buong tatag nitong pasusulungin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at lilikahain ang mas magandang kinabukasan ng daigdig, kasama ng iba’t ibang bansa, dagdag ni Han.

 

Nakipagtagpo nang araw ring iyon ang pangalawang pangulong Tsino kay Dennis Francis, Tagapangulo ng Ika-78 Sesyon ng UNGA.

 

Ipinagdiinan niyang patuloy na susuportahan ng Tsina ang pagpapasulong ng UN sa reporma ng sistema ng pandaigdigang pangangasiwa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio