Pangalawang pangulong Tsino, pangkalahatang kalihim ng UN at kalihim ng estado ng Amerika, nagtagpo

2023-09-19 15:54:08  CMG
Share with:

Sa panahon ng kanyang pagdalo sa Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) sa New York, magkahiwalay na nakipagtagpo Lunes, Setyembre 18, 2023 si Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina kina Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika.

 

Sa pagtatagpo nila ni Guterres, inihayag ni Han na sa mula’t mula pa’y ang Tsina ay bansang naglilingkod sa kapayapaan ng daigdig, tagapag-ambag sa kaunlaran ng mundo, tagapangalaga ng kaayusang pandaigdig, at tagasuporta sa papel na ginagampanan ng UN sa mga suliraning pandaigdig.

 


Pinasalamatan naman ni Guterres ang suporta ng Tsina, at lubos niyang hinangaan ang mahahalagang inisyatibang iniharap ni Pangulong Xi Jinping.

 

Sa pamumuno ng Tsina, umaasa siyang a-abante ang daigdig tungo sa tumpak na direksyon.

 

Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Blinken, tinukoy ni Han na tuluy-tuloy at matatag ang patakaran ng Tsina sa Amerika, at ang relasyong Sino-Amerikano ay laging pinangangasiwaan, ayon sa mga simulain ng paggagalangan, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon na iniharap ni Pangulong Xi.

 

Umaasa aniya siyang hahakbang ang Amerika tungo sa pagpapatupad ng mahahalagang komong palagay ng pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa sa Bali Island, Indonesya, isasagawa ang aktuwal na aksyon, lilikhain ang paborableng kondisyon, magsisigasig sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasusulungin ang muling pagbalik ng bilateral na relasyon sa malusog at matatag na landas.

 

Inihayag naman ni Blinken ang pag-asang magtatagumpay ang Tsina, at patuloy nitong isusulong ang paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Umaasa rin siyang lalakas ang pag-uugnayan ng Amerika at Tsina, makokontrol ang mga alitan, mapag-iibayo ang kooperasyon, at mapapaunlad ang relasyong Amerikano-Sino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio