Team Philippines, opisyal ng kasama sa Asiad family sa maikling seremonya

2023-09-22 15:35:58  CMG
Share with:


Pormal na sumali, Huwebes, Setyembre 21, 2023 ang Pilipinas sa pamilya ng ika-19 Hangzhou Asian Games nang tuluyan ng itinaas ang tricolor ng bansa sa loob ng Athletes Village.

 


Dumalo si Abraham ‘Bambol’ Tolentino, Presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) kasama ang mga ilang atleta at coach mula sa 396-strong Team Philippines delegation, upang saksihan ang maikling seremonya.

 


Ayon kay Tolentino, ang mga pasilidad at imprastraktura ng Hangzhou Asian Games ang pinakamaganda sa kasalukuyan, at ang athletes village na may ilang daang hektarya ay kompleto at may hi-technology. 

 

Naniniwala siya na napakalaki ng posibilidad na makakuha ang Pilipinas ng gintong medalya sa larangan ng pole vault, boksing, e-sports, weight lifting at martial arts. Si EJ Obiena ang kasalukuyang nasa ikalawang posisyon sa buong mundo at si Hidlyn Diaz naman ay gold medalist sa mga nakaraang Asian Games.

 

Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa boksing at rowing, gayundin ang kauna-unahang grandmaster sa Asia na si Eugene Torre, na kumakatawan sa chess.

 


Ayon kay Venice Vicente, Coach ng Philippine National Chess Team, ang paghahanda ng Tsina ay talagang handang-handa na, at ang pagtanggap sa delegasyon mula airport hanggang athletes village ay sobrang mainit at ligtas.

 

Pagdating sa mga pasisilidad, napakaganda, napakalawak ng mga lugar at tiniyak na komportable at magiging kondisyon ang mga atleta, ani Vicente.

 


Idinaos ang flag raising ceremony sa araw na nagsimulang dumating ang malaking delegasyon ng mga atletang Pilipino at coach sa lungsod Hangzhou, Tsina, ang pangatlo na nagho-host ng Asiad sa huling tatlong dekada pagkatapos ng Beijing, 1990 at Guangzhou, 2010.

 


Ayon kay Nikki Cheng, Deputy ng Ice Skating Federation at Deputy Chef de Mission, sobrang taas ng standard na ginawa ng Tsina at alagang-alaga ang delegasyon at talagang de-kalidad ang mga pagkain.

 

Inaasahan din niya na makukuha ni Hidilyn Diaz ang gintong medalya para sa weight lifting, EJ Obiena na pinakamalakas na Asian contender sa kasalukuyan para sa Pole Vaulting, Margielyn Didal na susubukan sungkutin ang gintong medalya para sa skateboarding at Agatha Wong na mataas ang pagkakataon para sa Wushu.

 

Kalaunan, nakipagpalitan ng regalo si Tolentino kay Yao Gaoyuan, Mayor ng Hangzhou, upang tapusin ang kaganapan na tumagal ng halos kalahating oras.

 

Ulat: Ramil Santos

Patnugot sa video: Sissi

Patnugot sa teksto: Jade

Patnugot sa website: Vera