Seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Asian Games, dadaluhan ng pangulong Tsino: makikipagkita sa iba’t-ibang lider

2023-09-21 10:57:29  CMG
Share with:

Inanunsyo Huwebes, Setyembre 21, 2023 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Setyembre 22 hanggang 23, bibiyahe si Pangulong Xi Jinping ng bansa sa lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang sa gawing silangan ng Tsina, para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Asian Games na idaraos sa Setyembre 23.

 

Itataguyod din aniya ng pangulong Tsino ang isang bangketeng panalubong at mga bilateral na aktibidad para sa mga banyagang lider na lalahok sa nasabing kaganapan.

 

Kasama aniya sa mga banyagang lider na darating ay sina Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya, Pangulong Bashar al-Assad ng Syria, Prinsipe Heredero Sheikh Meshal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah ng Kuwait, Punong Ministro Pushpa Kamal Dahal “Prachanda” ng Nepal, Punong Ministro Xanana Gusmão ng Timor-Leste, Punong Ministro Han Duck-soo ng Timog Korea, at Ispiker Johari bin Abdul ng Dewan Rakyat o Mababang Kapulungan ng Malaysiya.

 

Bukod pa riyan, dadalo rin sa mga kaukulang aktibidad sina Prinsipe Haji Sufri Bolkiah, Kinatawan ng Sultan ng Brunei; Sheikh Joaan Bin Hamad Bin Khalifa Al Thani, Kinatawan ng Emir ng Qatar; Prinsipe Faisal bin Hussein ng Jordan; Prinsesa Sirivannavari ng Thailand; at Pangalawang Punong Ministro Edil Baisalov ng Kyrgyzstan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio