Ginanap Linggo, Setyembre 24, 2023 sa Beijing, ang Nepal-China Business Summit.
Halos 200 kinatawan mula sa sirkulo ng komersyo ng dalawang bansa, ang nagtalakayan hinggil sa mga bagong pagkakataon ng pragmatikong kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan.
Inihayag ni Punong Ministro Pushpa Kamal Dahal Prachanda ng Nepal ang pag-asang lubos na sasamantalahin ng mga mamumuhunang Tsino ang katangi-tanging katayuan ng Nepal, upang palawakin ang sariling mga negosyo.
Umaasa rin siyang ibayo pang mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa, para maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon.
Ayon naman kay Zhang Shaogang, Pangalawang Tagapangulo ng China Council for the Promotion of International Trade, ini-organisa ng kanyang konseho noong nagdaang Marso ang pagbisita ng mga mangangalakal na Tsino sa Nepal, at narating ang isang serye ng intensyong pangkooperasyon.
Samantala, sinabi ni Li Fei, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, umusbong ang mga bagong progreso at natamo ng Tsina at Nepal ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nitong nakalipas na ilang taon.
Kasama ng Nepal, nakahanda aniyang palakasin ng Tsina ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan; padaliin ang pagpasok ng mga de-kalidad na produkto ng Nepal sa merkadong Tsino, sa pamamagitan ng iba’t-ibang uri ng plataporma ng ecommerce; at tulungan ang Nepal na pabutihin ang imprastruktura, pataasin ang lebel ng konektibidad, at pasulungin ang sustenableng pag-unlad.
Maliban diyan, nagpalitan din ng teksto ng kooperasyon ang maraming bahay-kalakal ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng imprastruktura, turismo, sasakyang de koryente at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio