Tsina sa Pilipinas, huwag gumawa ng probokasyon at gulo

2023-09-27 12:07:28  CMG
Share with:


Kaugnay ng pahayag kamakailan ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa pagtatanggal ng floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard (CCG) sa rehiyong pandagat sa timog silangan ng Huangyan Dao, sinabi, Setyembre 26, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyon ng CCG ay naa-ayon sa pagmimintine ng soberanya, karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina sa nasabing isla.

 

Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Pilipino na huwag gumawa ng probokasyon at kaguluhan.

 

Dagdag pa ni Wang, kathang-isip lamang ang pahayag ng PCG.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio