Inihayag kamakailan ng pamahalaan ng Pilipinas na sinira ng Tsina ang mga bahura sa South China Sea, at isinasaalang-alang nitong dalhin ang isyu sa hukumang pandaigdig.
Kaugnay nito, inihayag ngayong araw, Setyembre 21, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang batayan ang akusasyon ng panig Pilipino.
Hinihimok aniya ng Tsina ang kaukulang panig ng Pilipinas na huwag mamulitika, gamit ang maling impormasyon.
Kung pinahahalagahan ng panig Pilipino ang kapaligirang ekolohikal sa South China Sea, dapat aniyang agarang alisin ang sinadyang-isadsad na BRP Siera Madre sa Ren’ai Jiao, itigil ang pagtatapon ng sewage sa dagat, at ihinto ang di-mababaligtad na negatibong epekto sa dagat ng kinakalawang na bapor-pandigma, dagdag ni Mao.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Op-ed: Mekanismong tulad ng “G77 plus China” at BRI, nagpapasigla sa kooperasyong Sino-Pilipino
Paglapit ng mga bapor ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao, ipinagbawal ng Coast Guard ng Tsina
CMG Komentaryo: Sino ang tagapagpasulong sa likod ng insidente ng Ren’ai Jiao
Embahadang Tsino sa Pilipinas: palagian at matatag ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ren'ai Jiao